Ni Rommel P. Tabbad

Pumalag kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga batikos sa social media tungkol sa umano’y pakikinabang ng ahensiya sa P190 milyon multa ng transport network company (TNC) na Uber, kapalit ng pagbawi ng suspensiyon sa kumpanya.

“Iklaro lang namin ‘yung P190 milyon and all other fees na ibinabayad n’yo sa LTFRB, hindi ho ‘yan naiiwan sa LTFRB.

The following day idine-deposit ‘yan sa National Treasury. Wala kaming nire-retain,” naiinis na paliwanag ni LTFRB spokesperson at board member, Atty. Aileen Lizada.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Aniya, nakapipikon ang inaaning batikos ng LTFRB sa social media dahil wala naman umanong katotohanan ang alegasyon ng netizens.

“Kasi ang daming nagsasabi na ‘Merry Christmas… balato… magkano ang kinikita… corrupt’, so, i-clarify natin. Walang maiiwan sa LTFRB. Dinadala ‘yan the following day sa National Treasury.The proceeds of LTO [Land Transportation Office], Customs —lahat ‘yan umaakyat sa National Treasury. And for the National Treasury again to disburse down to the departments, as part of the national budget,” paliwanag ni Lizada.

Paglilinaw pa ni Lizada, ito ang unang beses na na-convert sa multa ang suspensiyong ipinataw ng LTFRB.