Ni: Marivic Awitan

MAY bagong format na gagawin sa unang pagkakataon sa pagtutuos ng Saints at Heroes bukas sa idaraos na NCAA 93 All-Star Game.

Pamumunuan ng kasalukuyang league-leader Pirates ang Team Heroes kung saan makakasama nila ang Arellano University, Emilio Aguinaldo College, Jose Rizal University, at Mapua University.

Napili upang maging kinatawan ng LPU sa koponan sina CJ Perez, team captain MJ Ayaay, at Mike Nzeusseu.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasama naman nila sina Allen Enriquez, Lervin Flores, at Kent Salado ng Chiefs; Jerome Garcia, Francis Munsayac, at Sidney Onwubere ng Generals; Ervin Grospe, Jed Mendoza, at Teytey Teodoro ng Heavy Bombers; at sina Christian Bunag, JB Raflores at Laurenz Victoria ng Cardinals.

Tatayo bilang head coach ng Team Heroes si Lyceum mentor Topex Robinson.

Makakatunggali nila ang Team Saints na pinangungunahan ng defending champion at second-running San Beda College kasama ang College of St. Benilde, Colegio de San Juan de Letran, University of Perpetual Help, at San Sebastian College-Recoletos.

Ang mga napili upang maging kinatawan ng Red Lions ay sina Robert Bolick,Javee Mocon, at Davon Potts habang ang kanilang mga kasangga ay sina Blazers Edward Dixon, JJ Domingo, at Gerard Castor; Knights JP Calvo, Rey Nambatac, at Bong Quinto; Altas Gab Dagangon, Prince Eze, at GJ Ylagan; at Golden Stags Alvin Baetiong, Kevin Baytan at Ian Valdez.

Magiging coach ng Team Saints si San Beda tactician Boyet Fernandez.

Nakatakdang magharap ang Heroes at Saints bukas sa Filoil Flying V Centre pagkatapos ng mga side events na Skills Challenge, Shooting Stars, Three-Point Shootout, at Slam Dunk Contest.