Ni: Rommel P. Tabbad

Walong taong makukulong si dating Palawan Gov. Joel Reyes kaugnay ng pagbibigay niya ng extension permit sa pagmimina ng isang kumpanya sa lalawigan.

Ito ay matapos na mapatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala ang dating gobernador sa pagpapalabas ng permit sa Olympic Mines and Development Corporation (OMDC), isang small-scale mining sa Palawan.

Tinukoy ng anti-graft court na nilabag ni Reyes ang Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natuklasan sa imbestigasyon na lagpas na sa limitasyon ang na-extract na yamang mineral ore ng naturang minahan.

Bukod dito, pinagbawalan na rin ng hukuman si Reyes na magtrabaho sa pamahalaan.