Ni REGGEE BONOAN

NANG malaman namin noon na kasama si Enchong Dee sa seryeng A Love To Last nina Ian Veneracion, Iza Calzado at Bea Alonzo ay kaagad namin siyang tinext kung ano ang role niya.

Hindi kami sinagot ng aktor, pero nalaman namin na half-brother siya ni Bea na tumutulung-tulong sa negosyo nila. Sa madaling sabi, suporta lang siya sa serye na malaking adjustment kay Enchong dahil siya ang bida sa halos lahat ng naging serye at pelikula niya.

Alam na niya siguro ang susunod naming tanong kaya hindi siya sumagot, kung bakit siya tumanggap ng supporting role.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakuha namin ang sagot ni Enchong nang makausap namin siya sa finale presscon nitong nakaraang Martes. Aniya, sa loob ng siyam na buwan sa ere ng A Love To Last ay hindi siya nahirapan o na-stress kumpara sa mga nauna niyang prohect.

“Relax, kakaiba sa ibang teleseryeng nagawa ko, sabi nga ni Bea, slice of life,” sabi ni Enchong. “I’ll be honest, there was siguro mga two or three times ako nakipag-meeting just to ask kung ano’ng nangyari sa character, of course people were expecting a bigger and meatier role, pero I have to remind myself na ang trabaho ko bilang aktor is to be an actor hindi naman para maging bida.”

Ito ba ‘yung ipinitch sa kanya at may nabago ba sa karakter?

“May difference, pero sabi ko nga, mahirap kasi magreklamo ka nang reklamo kaya I always remind myself to create an environment of gratitude more than complains. So, puro pasasalamat lang ako, alam ko naman na hindi ako papabayaan,” sagot ng aktor.

Noong mga panahong sunud-sunod ang teleserye ni Enchong ay nagpahayag siya na gusto muna niyang magpahinga dahil nga overworked na siya. Pinagbigyan siya ng management kaya ilang taon din siyang hindi napanood sa mga serye at mangilan-ilan lang ang pelikula, at regular na napapanood sa ASAP kaya hindi naman siya nakakalimutan ng tao.

Ngayon ay back to work na si Enchong, at masaya kami para sa kanya dahil hindi na masasayang ang talent niya. Ang next project niya pagkatapos ng A Love to Last ay, “Makakasama ko si Louise (de los Reyes). I’m excited, sabi ko nga, kung masyado ako naging bitter sa show na ito o naging reklamador ako, I don’t think bibigyan ako ng pagkakataong magkatrabaho ulit. Like ngayon, kami nina Erich (Gonzales), kaya I’m happy,” kuwento ng aktor.

Kumusta ang love life niya?

“Wala, busy tayo. Ang love life ko, Peri-Peri (restaurant business niya),” napangiting pagwawakas ng binata.

Samantala, magkakaroon ng Love Goals: A Love To Last Concert ang buong cast sa Kia Theater sa Setyembre 8 at mabibili ang tickets sa ticketnet.com.ph.