Ni: Light A. Nolasco

SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Nakatanggap na ng tulong pinansiyal mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga naapektuhan ng Avian influenza outbreak.

Ipinagkaloob ng DA ang R5.51-milyon ayuda sa MMJ Layer Farm sa bayan ng San Isidro na labis na naapektuhan ng bird flu virus.

Ayon sa may-ari ng farm na si Manuel Ortiz Luis, mayroong 68,528 layer chicken na na-depopulate sa kanyang farm, habang 75,000 poultry naman ang sumailalim sa culling sa buong San Isidro. Sa Jaen, tumanggap naman ng indemnity check na P149,870 si Magdalena Nagum, may-ari ng quail farm.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Halos lahat ng naapektuhan ng Avian influenza sa Barangay Imbunia ay may mga alagang pugo at 143,730 sa mga ito ang na-depopulate, habang huling tumanggap ng ayuda si Mary Grace Castro.

Sa buong Nueva Ecija, mayroong 246,052 culled poultry, na 130,956 sa mga ito ay manok, at 115,096 ang pugo.

Samantala, upang makabangon mula sa pagkakalugmok sa Avian influenza ay nagbigay ng ayuda ang Agricultural Credit & Policy Council, sa pamamagitan ng SURE o Survival & Recovery Assistance Program.

Sa pamamagitan nito, ang mga naapektuhang poultry raiser at poultry workers ay may P5,000 grant, bukod pa sa may P20,000 loan assistance.