Ni: Samuel P. Medenilla

Mahigit 2,300 manggagawa sa Calabarzon ang nananatiling casual employee kahit pa ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang regularization sa mga ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) National President Leody de Guzman na nananatili pa rin sa nasabing sitwasyon ang 2,369 na manggagawa matapos umapela ang kanilang employer sa DoLE.

Ang naturang mga manggagawa umano ay nagmula sa siyam na kumpanya na ang kani-kanilang contractor ay lumabag umano sa ilang labor standards matapos inspeksyunin ng DoLE sa Southern Tagalog.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“DoLE ordered them to regularize their employees… but because of the appeal, DoLE cannot implement its regularization order,” ani de Guzman.

Ang nasabing siyam na kumpanya ay ang Asia Brewery Inc., Toyo Ink Compounds Corp., Technoclean Phils. Inc., Ram Food Products Inc., Lakeside Food and Beverages Corp., Asian Transmission Corp., at Suzuki Philippines Inc.

Ayon kay BMP-Southern Tagalog Chairman Domeng Mole, ginagamit umano ng ibang kumpanya ang pagkakaroon ng delay sa kanilang apela upang sibakin ang mga manggagawa na kuwalipikado para ma-regular.