Ni: Marivic Awitan

KAUGNAY ng kanilang tema ngayong taon na UAAP Season 80 Go for Great, bibigyang pagkilala ng liga ang kanilang mga dating atleta na nagbigay karangalan hindi lamang sa liga kundi sa buong bansa.

Sa naganap na media briefing kahapon sa Institute of Technology building ng season host Far Eastern University sa Manila, inihayag nila na magiging bahagi ng opening ceremonies ang mga mapipiling mga”greats” ng kani -kanilang mga miyembrong paaralan ng liga.

Bago ang tradisyunal na parada ng mga koponan na dating ginagawa sa bungad ng programa, ipaparada kasama ng ilang mga piling kasalukuyang atleta ng bawat member schools galing sa iba’t-ibang sports.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Pipili ang bawat school ng tig-sampung mga greats na naging produkto nila at ihahanay ang mga larawan sa ‘Wall of Greats’ na matatagpuan sa lahat ng mga UAAP schools at sa Coral entrance ng MOA Arena sa opening day sa Setyembre 8.

Ilan sa mga maugong na posibleng mapahanay sa ‘Wall of Greats’ sina PBA Living Legend Senator Robert Jaworski para sa University of the East at ang unang table tennis player ng bansa na naging Olympian na si Ian Larriba ng La Salle.