Ni LITO T. MANAGO

PERSONAL na tinanggap ni Quezon City Mayor Herbert Maclang Bautista ang karangalan bilang honoree ng Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievement Award sa 34th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) nitong nakaraang Sabado sa Resorts World Manila.

Mayor Herbert copy

Nagsimula ang career ni Mayor Bistek bilang child actor sa programang 2 Plus 2 sa dating Banahaw Broadcasting Corporation (BBC) na nasundan ng Clubhouse 9, Basta Barkada at marami pang iba.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ipinakilala naman siya sa pelikulang Oh, My Mama ninaMaricel Soriano at William Martinez noong 1981 pero sumikat siya nang husto (along with Aga Muhlach) sa Bagets ng Viva Films.

Sa loob ng maraming taon niya sa showbiz, nakagawa na siya ng mahigit 30 pelikula at napanood sa mahigit 20 TV shows.

Ilang acting awards na rin ang natanggap niya.

Mas aktibo na ngayon si Mayor Herbert bilang public servant at paminsan-minsan na lang gumawa ng pelikula at tumanggap ng TV show.

Huling termino na ni Mayor HB bilang alkalde ng pinakamalaking lungsod sa Pilipinas.

Bago naging mayor, naging chairman muna siya ng Kabataang Barangay (KB) at nahirang na presidente ng national federation nito.

Nagsilbi rin si Bistek ng dalawang term bilang city councilor at pagkatapos ay tumakbo as QC vice-mayor in 1995 and won. He was the youngest vice-mayor at the age of 27.

Nang huling ma-interview ng entertainment press, aniya, wala pa siyang plano para sa susunod na eleksiyon. “Masyadong maaga pa! Marami pang dapat gawin at ayusin sa siyudad. Tutukan muna natin ‘yung trabaho ko bilang alkalde.”

Karangalan para kay Mayor Bistek na ginawaran siya ang FPJ’s Lifetime Achievement Award ng Luna Awards, na ibinibigay ng mga kasamahan niya sa industriya.

Kamakailan, ginawaran din ang QC, under his leadership, bilang 1st Place for Overall Competitiveness sa kategoryang Highly Urbanized City category sa 5th Regional Competitiveness Summit and Awards sa Philippine International Covention Center (PICC).

Bukod sa highest award sa nasabing kategorya, nakakuha rin ng siyudad ng lima pang karangalan, namely: Most Competitive City in Frastructure, 2nd Most Competitive City in Government Efficiency, 2nd Most Competitive City in Resiliency, at 2nd Most Competitive in Economic Dynamism.

Proud na proud si Mayor Bistek sa panibagong karangalang natanggap ng nasasakupang lungsod at ang karangalang ipinagkaloob sa kanya ng FAP Awards.

Congratulations, Mayor Bistek!