Ni: Beth Camia

Bibida ang kultura at tradisyong Pinoy sa grand musical competition ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Pinamagatang “Pili-Pinas (Piliin ang Pilipinas): A Pagcor Musical”, tampok sa palabas ang ilan sa mga tanyag na pagdiriwang, alamat, sayaw at mga karakter sa Philippine folklore na idaraos sa Setyembre 2 (Sabado) Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP sa Pasay City.

Espesyal ang naturang palabas, na tatampukan ng mahuhusay na empleyado ng ahensiya, mula sa Casino Filipino branches at satellite operations group sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos, Olongapo, Tagaytay, Metro Manila at corporate office. “May 11 grupo mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang magtatanghal. Ang mga kalahok mula sa CF Davao, halimbawa, ay gagamit ng temang Kadayawan Festival, samantalang ang mga taga-CF Cebu naman ay gagamit ng Sinulog Festival theme,” sabi ni Pagcor Chairman-CEO Andrea Domingo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ilan sa mga interesanteng kalahok sa musical competition ang Panaad, Panagbenga at Pintados para sa festivals category; Biag ni Lam-Ang, Ulo ng Apo at Maria Sinukuan para sa legend category; Aswang at Darna para sa Pinoy fantasy category; at Dances of Luzon para sa cultural category.