Ni ADOR SALUTA

MASAMANG-MASAMA ang loob ng ina ng dating si Charice Pempengco na ngayon ay Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, tungkol sa kuwentong inilabas ng anak sa Maalaala Mo Kaya. Naging tampok ang life story ni Jake sa August 26 epidode ng MMK, at inilarawan si Raquel bilang pabaya at malupit na ina.

JAKE ZYRUS copy

Ayon kay Raquel, puro kasinungalingan ang ikinuwento ni Jake.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“Sa umpisa pa lang puro kasinungalingan na. Walang katotohanan. Sa buong istorya na sinabi ni Charice, lahat ito walang katotohanan puro kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni Charice dito. Ilang beses siyang lumayas, ilang beses bumalik, puro ako ang pinasasama niya palagi,” galit na bungad ng ina ni Jake.

“Ang katotohanan ay 2010 pa pinabayaan na kami niyan ni Charice. Tinanggal ako sa trabaho sa Amerika pa lang. Bakit ako ang sinisisi niya sa tax niya, hindi naman ako ang manager niya at accountant niya. Puro kasinungalingan ang sinasabi dito lahat. Hindi siya nag-iisip. Grabe si Charice, masyado niya akong pinasama,” himutok pa ni Raquel.

Tungkol sa iniaabut-abot na pera ng anak, “Pinapalabas nila dito (MMK), ako humihingi, eh, sila ‘yung nag-aabot, di ‘ko matanggap,” aniya.

Kaarawan niya noong 2015, nagbigay ng pera si Jake pero hindi niya tinanggap.

Mali rin daw ang kuwento ni Jake na pinagbubuhatan niya ito ng kamay.

“Hindi ko pinagbuhatan ng kamay iyan. Nasabunutan ko lang iyan nang nabuksan ko ang laptop niya na ayaw niyang umamin na tomboy siya, di pa siya nagre-reveal noon.

“Gusto niya talaga akong tanggalin sa picture niya bilang magulang. Sinabi niya na kasama niya tatay niya. ‘Di niya nakasama tatay niya simula’t simula pa, sinungaling iyan,” emosyonal niyang sabi.

Ang kanyang mensahe sa anak, “Isa lang mensahe ko sa kanya, huwag na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya. Ako pilit kong ipinagtatanggol ko ang anak ko pero sa ginagawa niyang ito, ako ang idinidiin niya. Hindi ko na alam kung anong sariling pag-iisip mayroon si Charice.

“Walang alam na trabaho si Charice kaya pinipilit niya na i-survive ang career niya. Lalo na ngayon at wala na siyang boses na ipagmamalaki,” sabi pa ng ina ni Jake o Charice.