Ni: Reggee Bonoan

SA wakas, maipapalabas na ang seryeng The Promise of Forever nina Ritz Azul, Ejay Falcon at Paulo Avelino na kinunan noong nakaraang taon sa Europe.

EJAY RITZ AT PAULO copy

Napakaganda ng trailer nito kaya matagal na itong inaabangan ng fans nina Ritz at Paulo. Sa pagkakaalam namin ay maganda rin ang kuwento ng The Promise of Forever kaya nakapagtataka kung bakit natagalan ang pag-ere.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa trailer, parang hawig ang binuong seryeng ito ng Dreamscape Entertainment sa pelikulang Somewhere in Time or The Time Traveller’s Wife. O baka Goblin (koreanovela), kasi may ipinakitang namatay na si Paulo pero nabuhay ng sandaang taon base sa kandilang nasa cake.

Anyway, malalaman namin ngayong hapon ang detalye sa lahat ng mga katanungan at ipinagtataka namin sa digital presscon ng The Promise of Forever handog ng Dreamscape Enertainment pati na kung kailan ito eere at timeslot.

At dahil matagal nang tapos i-tape, hindi na ba ito dadagdagan o gagawing present time lalo na kung mataas ang ratings?

Baka nga hindi na rin, Bossing DMB kasi halos lahat ng cast bukod kina Ritz at Paulo ay may mga bagong TV project na at si Ejay nga kasama na sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang taray ng locations ng taping ng The Promise of Forever kaya makikita ang kagandahan ng mga bansang Prague, Czech Republic, Bruges, Belgium, Amsterdam, Netherlands at Krakow, Poland.