Ni: Light A. Nolasco

CASIGURAN, Aurora - Tinatayang nasa P41.27 milyon ang pinsalang naidulot ng bagyong ‘Jolina’ sa agrikultura ng Aurora, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management 0ffice (PDRRMO).

Ayon kay PDRRMO chief, Engr. Elson Egargue, bukod sa mga palayan, napinsala rin ang livestock at fisheries sector ng mga bayan ng Dilasag at Dinalungan.

Idinagdag pa ni Egargue na may kabuuang 3,083 indibiduwal o 881 pamilya ang inilikas sa Baler, Ma. Aurora, Dipaculao, Dilasag at Casiguran.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Samantala, maaari nang dumaan sa Villa Ma. Aurora boundary sa Bongabon, Nueva Ecija na bahagi ng Barangay Labi; gayundin sa Baler-Canili-Pantabangan national road, Baler-Casiguran national road, at Baler-Villa Ma. Aurora.

Walang iniulat na nasawi, nasaktan at nawawala sa lugar.