Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ni Rachel Labartinos, promo officer in charge ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Agosto 29 ay magtataas ng 35 sentimos sa kada litro ng gasolina at 20 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Ang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang dahilan sa bagong dagdag-presyo sa petrolyo.

Agosto 22 nang nagtaas ang oil companies ng 20 sentimos sa kada litro ng gasolina, kasabay ng 15 sentimos na tapyas sa kerosene at 10 sentimos naman sa diesel.