Ni: Merlina Hernando-Malipot Bert De Guzman

Upang masukat ang aptitude at skills ng mga estudyate at matukoy ang larangan o kursong nababagay sa kanila, pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) ang National Career Assessment Examination (NCAE) para sa School Year (SY) 2017-2018 ngayong linggo.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, sa DepEd Memorandum No. 140 series of 2017, na ang DepEd – sa pamamagitan ng Bureau of Education Assessment (BEA) at katuwang ang school division at secondary schools – ang mangangasiwa sa NCAE ngayong taon para sa lahat ng estudyante sa Grade 9 sa mga pampuliko at pribadong paaralan sa buong bansa, sa Agosto 30 hanggang 31.

Layunin ng NCAE na matukoy ang aptitude at occupational interest ng estudyante sa alinmang Senior High School (SHS) tracks, at magabayan ang mga magulang at estudyante kung anong karera ang pinakamagandang tahakin pagkatapos ng high school.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ipinaalala ng DepEd na ang resulta ng NCAE ay hindi “mandatory but recommendatory.”