KUNG may dapat mang tularan sa body goals, si Martin del Rosario na ‘yun. Pak na pak kasi ang pa-abs niya na talagang kinahuhumalingan ng kanyang fans. Kaya nga lagi siyang inaabangan sa Mulawin vs Ravena.

Ayon sa Kapuso actor, resulta ito ng kanyang ‘gigil’ workout na ibinahagi niya sa Instagram. Kaya maraming followers niya ang humihingi ng kanyang workout routines. Amazed na amazed sila sa body figure niya.

Samanlata, bukod sa pagiging eye candy, magamit kaya ng kanyang karakter na si Aramis ang body figure niyang ito para matulungan ang mga mulawin laban sa tumitinding laban nila sa mga ravena? Paano na nga kaya nila makukuha ang kapayapaang nais nila? Abangan ang mga kasagutan sa huling apat na linggo ng Mulawin vs Ravena.
Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?