Ni REGGEE BONOAN

MULING napanood si Maricar Reyes-Poon sa La Luna Sangre kagabi bilang si Sam or Samantha na tumulong at nagligtas sa grupo ng Moonchasers sa mga kamay ng bampira.

MARICAR copy

Yes, Bossing DMB, si Maricar pala ang palaging kausap o adviser ni Professor Theodore Montemayor (Albert Martinez), ang pinuno ng Moonchasers, at nagbibigay ng hudyat kung kailan at saan nila sasalakayin ang mga bampira.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagbabalik ang karakter ni Maricar bilang si Samantha na isang immortal at adoptive sister ni Sandrino (Richard Gutierrez), at matatandaang adopted daughter ni Magnus Imperial (Jake Roxas) sa Imortal.

May gusto si Sam kay Mateo (John Lloyd Cruz) na hindi naman siya nagustuhan dahil si Lia (Angel Locsin) ang mahal ng tatay ni Malia (Kathryn Bernardo).

Nakagat si Sam ng isang hybrid (werewolf-vampire) na si Lucas Teodoro (Rico Blanco) nang magsagupa sila at para hindi na siya matulad kina Sandrino na pumapatay at umiinom ng dugo ng tao ay minabuti nitong magpakamatay. Pero ilang beses siyang nabuhay dahil malakas ang dugo ni Lucas na nasa katawan niya.

Hindi maatim ni Sam ang kasamaan ng adoptive brother niyang si Sandrino kaya nagpasya siyang kalabanin ito at kumampi sa Moonchasers.

Ang ganda ng unang appearance ni Maricar sa La Luna Sangre dahil lumilipad-lipad siya habang pinagbabaril ang mga kampon ni Sandrino na galit na galit na may humaharang sa mga plano niya pero hindi niya malaman kung sino.

Anyway, mukhang wala pa sa plano ni Maricar at asawang si Richard Poon ang pagkakaroon ng baby dahil tinanggap ng aktres ang papel niya sa LLS na physically exhausting lalo’t may action scenes siya.

Samantala, masaya sina Maricar at Richard Poon dahil bestseller ang libro nilang 10 Things We Fight About sa National Bookstore. Inilunsad nila ang libro noong Hulyo sa NBS Glorietta. Mabenta rin sa mga bazaar ang negosyo nilang Chocoliguor Cakes by Maricar.