Ni ROMMEL P. TABBAD

Pinag-aaralan ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) ang pagkansela sa lisensiya ng taxi driver na nag-viral sa social media ang panghihimas sa hita ng babaeng pasahero niya.

Inihayag ni LTFRB spokesperson, Atty. Aileen Lizada, na gumagawa na ng kaukulang hakbang ang kanilang board laban sa driver ng Maxitaxi Transport na si Jaime Baldomar.

“We still have due process, but nonetheless, the video is enough evidence to support the filing of a complaint even without the lady involved,” ani Lizada.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hihilingin, aniya, ng LTFRB sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang driver’s license ni Baldomar bilang isa sa mga parusa sa panghihimas umano nito sa hita ng isang babaeng pasahero kamakailan.

Sa salaysay ng biktima, sumakay siya sa minamanehong taxi ni Baldomar at nagpapahatid sa Dasmariñas sa Cavite.

Sa video na nag-viral nakitang habang bumibiyahe ay bigla na lamang gumapang ang kamay ni Baldomar sa hita ng nabiglang pasahero.