NI: Gilbert Espeña

TATANGKAIN ni dating interim WBA super flyweight champion Drian “Gintong Kamao” Francisco na makabalik sa world rankings sa kanyang pagsabak kontra sa walang talong si Mexican Rafael “Big Bang” Rivera sa featherweight bout sa Setyembre 22 sa Double Tree Hotel, Ontario, California sa Estados Unidos.

Ito ang unang laban ni Francisco sa abroad mula nang matalo kay WBA super bantamweight titlist Guillermo Rigondeaux sa puntos noong Noong Nobyembre 21, 2015 sa Las Vegas, Nevada bagamat umiskor siya ng 10-round unanimous decision victory sa beterano at dating world rated Mateo Handig sa kanyang huling laban noong nakaraang Pebrero 18.

Malaki ang agwat ng edad ni Francisco kay Rivera dahil 34-anyos na siya kumpara sa Mexican knockout artist na 23-anyos lamang pero mas maraming nakalabang world class boxers ang Pinoy boxer.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

May rekord si Francisco na 29-4-1 na may 22 panalo sa knockouts, samantalang may kartada si Rivera na 25-0-2 na may 16 pagwawagi sa knockouts.