Ni: Fer Taboy

Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na pumanaw sa loob ng piitan si Cayamora Maute, ang ama ng terrorist brothers na nanguna sa pag-atake sa Marawi City.

Ayon kay BJMP spokesman Senior Insp. Xavier Solda, namatay si Cayamora makaraang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital mula sa special intensive care unit sa Camp Bagong Diwa.

Ayon kay Solda, namatay sa sakit na diabetes, hypertension at hepatitis si Cayamora sa edad na 67.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang bangkay ni Cayamora ay kinuha ng mga anak at dinala sa Quiapo, Maynila.

Hunyo 6 nang naaresto si Cayamora sa isang checkpoint sa Davao City, habang nadakip din ang asawa nitong si Farhana Maute at nakakulong sa BJMP.

Samantala, hinihintay pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang formal report ng BJMP hinggil sa pagpanaw ni Cayamora.