Ni: Genalyn D. Kabiling
SAN FERNANDO, Pampanga -May alegasyon kay dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na umano’y ibinigay sa mga rebeldeng komunista ang bulto ng cash subsidies habang naglilingkod sa pamahalaan ang opisyal, sinabi kahapon ni Pangulong Duterte.
“She was suspected by, hindi naman lahat, but people—hindi rin ano—na the bulk of the money went to, ditong Pantawid (Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps), naibigay doon sa mga—ako sinabi ko, naibigay sa mga NPA,” sabi ng Presidente sa isang press conference sa Pampanga.
Nagbalik-tanaw si Duterte na ang isa sa mga orihinal niyang utos sa DSWD ay bigyan ng tulong ang mga nangangailangan maging sila man ay mga miyembro ng NPA. Pero lumutang ang suspetsa na ipinambibili umano ang pera ng mga rebelde NPA ng mga sandata, sabi ni Duterte.
“Baka ‘yung pera, sabi nga ng… Baka naibili ng mga bala o armas because of the pronouncement of Sison that they are expanding, that they are recruiting. So therefore, they would need more arms. They can buy, ambush, steal, or extort, whatever,” sabi niya.
Nang tanungin kung iniisip niyang hindi nagamit nang tama ang pondo ng DSWD, tumanggi ang Presidente na kumpirmahin ang naturang reports.
“Hindi ko sinabi ‘yan. Merong mga reports,” sabi niya. “I leave it to the others to pass judgment,”
Nilinsan ni Taguiwalo kamakailan ang Duterte Cabinet nang hindi siya kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA). Kabilang siya sa left-leaning Cabinet members na itinalaga ng Presidente.