Ni Rizaldy Comanda

ISA sa mga maipapagmalaking tourist destinations sa loob ng Subic Bay Freeport Zone ang kinagigiliwang adventure park na Zoobic Safari, na umulan man o umaraw ay dinadayo ng mga turista.

 

1

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang Zoobic Safari ang tanging tiger safari sa Pilipinas, na mayroong sampung unique attractions na natutunghayan ng mga turista. Sa lawak ng lugar at sa rami ng atraksiyon ay halos kulangin ang maghapong adventure.

 

Itinayo ng Zoobic Safari Corporation noong 2002 at dinibelop ang umaabot sa 25 ektaryang forest land bilang first class animal theme park. Ang project na ito ay ginugulan ng P80 million at bahagi ng 50-hectare Forest Adventure Park na matatagpuan sa loob ng kagubatan ng Subic Bay Freeport Zone.

 

Kinagigiliwan ng mga turista sa sulit na entrance fee ang Serpentarium, Zoobic Park, Close Encounter and Tiger Safari Ride, Croco Loco, Aeta’s Trail, Hip-Hop Bayawak, Muzooeum at Rodent World.

 

Mayroon ding regular animal shows at animal parade tuwing weekends at holidays. Mas lalawak at madadagdagan pa ang mga atraksiyon dito kapag natapos na ang Safari 3, Kamikazoo, Montezuma & Serpent Function Rooms, Magbabuyan, Eggziting Story, at Glamping (Glamorous Camping).

 

Ayon kay Karren Cernal, PR assistant ng Zoobic Safari, may malalawak silang amenities na nakalaan sa mga pangangailangan ng kanilang mga bisita. May masasarap na pagkain din sa Safari Grill at Buho Restaurant at souvenir photo sa mga Tiger Cubs, Serpents, Birds at iba pang Reptiles sa Zoombic Foto.

 

May mahigit ding 500 safari items na mabibili ang mga bisita sa Zoovenir Shop, makakasakay sa Zooper train para tunghayan ang mga atraksiyon at maaaring magpalipas ng magdamag sa Zoobic Lodge.

 

Noong 2016, naitala ang 355,151 na bumisita sa Zoobic Safari, na mas mataas kumpara noong 2015 at nitong Enero hanggang Hunyo 2017 na 131,545 visitors.

[gallery ids="262662,262661,262659,262658,262653,262654,262655,262656,262657,262649,262650,262651,262652"]