Matagumpay na naipagtanggol ni Filipina-Japanese judoka Kiyomi Watanabe ang kanyang gold medal sa women’s -63 kilogram division sa judo competition ng 29th Southeast Asian Games noong nakaraang Sabado ng hapon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Hindi nag-aksaya ng oras si Watanabe na nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan, isang araw bago siya lumaban upang dispatsahin si Orapin Sentham ng Thailnd sa finals.
Nakuha ni Watanabe na kontrolin ang kanyang katunggali makaraang daganan at ipitin sa ibabaw ng mat ang Thai judoka at makamit ang gintong medalya sa loob lamang ng 37 segundo.
Ito na ang ikatlong gokld medal ni Watanabe sa SEA Games.
Naunang tinalo ng Cebuana ang Malaysian na si Nik Binti Azman sa quarterfinals, bago sinunod ang Myanmar bet na si N Chu Myat sa semifinals.
Bago sumabak sa SEA Games, nagwagi si Watanabe ng silver medal sa nakaraang 2017 European Open Women Championship.
Nagdagdag naman ng bronze medals ang kanyang mga kakamping sina Keisei Nakano at Shugen Nakano sa men’s -73 kg at -66 kg ayon sa pagkakasunod. - Marivic Awitan