Naging masaklap ng pagtatapos ng apat na taong paghahari sa 3,000-meter steeplechase ni Christopher Ulboc noong Sabado sa pagtiklop ng tabing para sa 29th Southeast Asian Games athletics competition sa National Stadium sa Kuala Lumpur.

Isa sa mga inaasahang magwawagi ng gold medals sa ginaganap na biennial meet, naging napakasakit ng pagtatapos ng pagiging kampeon ng Pinoy steeplechaser makaraang tumapos lamang itong panglima sa naitalang oras na 9 na minuto at 24.75 na segundo.

Tinalo siya ng tinanghal na bagong kampeong si Atjong Tio Purwanto ng Indonesia na nagtala ng tiyempong 9:03.24 gayundin ng sumegundang si Vietnam bet Pham Tien San (9:06.63) at kakampi nitong si Do Quac Luat (9:08.72) na siyang umani ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Ang masakit, ang oras na itinala ni Purwanto ay mas mabagal sa tiyempong itinala ni Ulboc na 8:59.07 Ulboc nang manalo sya ng gold medal noong 2015 Singapore SEA Games maging sa kanyang oras na 9:01.59 nang unang manalo si Ulboc ng gold sa Myanmar edition.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Batay sa ulat galing Malaysia, sinasabing posibleng naapektuhan ang performance ni Ulboc ng kanilang di pagkakaunawaan ng kanyang coach na si Rene Herrera.

“Hindi yata pinakikinggan si coach Rene at ginagawa ang kanyang programa kaya iyan ang nangyari,”ayon sa isa mga coaching staff ng national athletics team na hindi binanggit ang pangalan. - Marivic Awitan