Ni JIMI ESCALA

Ang veteran newscaster na si Ms. Tina Monzon-Palma ang 2017 UP Gawad Plaridel awardee. Ang nasabing parangal ay ipinagkakaloob ng University of the Philippines para sa katangi-tanging media practitioners.

Ang ilan sa mga nauna nang binigyan ng nasabing parangal na sinasabing katumbas ng National Artist sa media ay sina Vilma Santos (2005), Delia Magpayo (2006), Che Che Lazaro (2007), Rosa Rosal (2012), Jose Lacaba (2013) at Nora Aunor (2014).

Tina Monzon Palma
Tina Monzon Palma
Masayang-masaya si Ms. Tina nang tanggapin ang award at kagaya ng naunang recipients ng Gawad Plaridel ay nagbigay din siya ng lecture.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maprinsipyo at kilalang lumaban sa diktadurya noong martial law at naikot na niya ang lahat ng TV networks kaya halos lahat ng kasamahan sa newscasting, datihan man o baguhan ay may mataas na paggalang kay Tina Monzon-Palma.

Taga-ABS CBN man o taga-GMA-7 o TV5 o government network, senior o junior reporters at maging mga estudyante pa lamang ng communication courses ay may respeto sa kanya.

Present sina Jessica Soho ng Siyete, Ging Reyes ng Dos, Maria Ressa ng Rappler at napakarami pang ibang media workers nang tanggapin ni Ms. Tina ang 2017 Gawad Plaridel trophy.

(Ang amin ding snappy salute kay Tina Monzon-Palma mula rito sa Balita. –Editor)