TAL AFAR (AFP)— Lubusan nang mababawi ng Iraqi forces ang lungsod ng Tal Afar matapos maitaboy ang mga mandirigma ng grupong Islamic State mula sa sentro ng isa sa mga huling kuta nito sa siyudad.

Kontrolado na ng counter terrorism ang sentro ng lungsod, na kinabibilangan ng makasaysayang Ottoman citadel.

‘’They raised the Iraqi flag on the citadel,’’ saad sa pahayag ni General Abdulamir Yarallah, commander ng military operations sa digmaan para sa Tal Afar.

Nangyari ito ilang linggo matapos ideklara ni Prime Minister Haider al-Abadi ang tagumpay noong Hulyo sa mga jihadists sa lungsod ng Mosul, kung saan nagdeklara ng ‘’caliphate’’ ang IS noong 2014.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Hawak na ngayon ng Iraqi forces ang ‘’94 percent of the city, 27 out of 29’’ districts kabilang ang sentro at ang citadel, ayon sa Joint Operations Command (JOC) na nakikipagtulungan sa anti-IS operation sa Iraq.