KUALA LUMPUR – Binigo ng Indonesian tanker na si Indra Gunawanang tangka ni Flipino-American James Deiparine na ibigay sa bansa ang una nitong swimming gold medal pagkaraan ng walong taon nang talunin nito ang huli sa finals ng men’s 50-meter breast stroke sa pagtatapos ng 29th Southeast Asian Games swimming competition.

Dahil dito, nabigong wakasan ni Deiparine ang 8-year-gold SEA Games drought ng Pilipinas sa kanyang laban sa National Aquatic Center makaraang tumapos lamang na runner-up sa itinala nyang tiyempong 28.60 seconds kasunod ni Gunawan na naorasan ng 28.25 seconds.

Sa labis na panglulumo, yuko ang ulong umahon a pool ang 24-anyos na Washington State native at tumanggi nang magpaunlak ng panayam.

Ang kanyang silver medal ang ikalawa ni Deiparine kasunod ng kanyang second place finish sa men’s 100-meter back stroke noong Biyernes para maging Philippine squad’s best swimming performer sa kanyang SEA Games debut.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Si Jasmine Alkhaldi naman na hindi na lumangoy sa 100-meter butterfly finals para makapag-focus sa kanyang huling dalawang freestyle events, ay bigong magwagi ng kahit anong medalya sa women’s 200-meter at 50-meter freestyle events.

Mayroon lamang siyang bronze-medal sa women’s 200-meter freestyle kasunod ng Thai silver medalist na si Nathanan Junkaranjang, ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang gold medal noong 2013 Myanmar Games dahil sa inireklamong false start.

Sa halip na tumaas ay lalo pang bumaba ang performance ng mga Philippine swimmers mula noong 2015 Singapore SEA Games kung saan sila nagwagi ng 2 silvers at 11 bronzes nang magwagi lamang sila ngayon ng 2 silvers at 5 bronzes.

Bukod dito, ang national men’s water polo squad na nagsanay pa sa Portugal at Spain para sa SEA Games ay nagtapos lamang na pang-apat sa 5-nation men’s water polo tournament na may isa lamang panalo at tatlong talo habang ang mga Filipino synchronized swimmers na ipinadala pa sa world championships sa Budapest, Hungary ay na-washout ding lahat sa limang events na kanilang sinalihan.