Ni HANNAH L. TORREGOZA

Hinimok kahapon ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na gawing prioridad ang pagtatanggal ng mga tiwali sa hanay ng pulisya upang maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.

“Ito ang dapat i-focus ng leadership ng PNP—ayusin at patatagin ang internal disciplinary mechanisms ng PNP para maparusahan ang scalawags,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Sa pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs committee, nangako si dela Rosa na sasampahan ng karampatang kaso nag mga pulis na pumatay sa 17-anyos na Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos sa isang anti-drug operation sa Caloocan City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa tatlong pulis na nagsagawa ng operasyon, nanlaban umano si delos Santos at namaril kaya pinaputukan nila ito, ngunit taliwas ito sa kuha ng CCTV camera na nakitang kinakaladkad ng mga pulis ang binatilyo.

Mariing itinanggi ng mga magulang ni delos Santos na sangkot siya sa droga.

“Itong ginagamit ng pulis na ‘nanlaban’ ay nagiging convenient na para sa kanila para umabuso ng mga inosente,” dagdag ni Gatchalian. “Ito ay weakness ng kapulisan natin and hindi gumagana ang mga internal mechanisms para sa parusahan ng mga scalawags.”

Para kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, ang isyu sa pagkamatay ng binatilyo “should go beyond politics, (because) the issue is humanity.”

“The best way to give justice to Kian is to make sure this horrific crime does not happen again to any minor,” ani Ejercito.

“It is important for all of us--not just the Senate, but also the executive dept, the courts and the media, to make sure that Kian’s death will not be in vain but will result to meaningful reforms in the PNP,” dagdag pa ni Ejercito. “I am hoping that Kian’s death will not be used by certain politicians or groups to advance their own political interests.”