Ni: PNA

INIHAYAG ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mabibigyan na rin ng segurong pangkalusugan ang mga self-earning sa industriya ng pelikula, gaya ng mga cameraman, gaffer, aktor, direktor, producer, at ang kanilang mga kuwalipikadong legal dependent.

Inihayag ni PhilHealth Head Executive Assistant to the President, CEO at Concurrent OIC-Vice President ng Corporate Affairs Group, Dr. Israel Francis A. Pargas, may kasunduan na ang PhilHealth at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para maisailalim sa National Health Insurance Program (NHIP) ang lahat ng rehistradong miyembro ng FDCP.

Sinelyuhan ang usapan sa signing ceremony sa Scout Limbaga sa Quezon City, sa pangunguna ni Dr. Pargas at ni FDCP Chairman Mary Liza Diño, kasama ang mga miyembro ng FDCP at ang mga kinatawan ng Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund (HDMF) nitong Agosto.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang FDCP ang ahensiya ng gobyerno na responsable sa paglikha ng mga pelikulang nagiging instrumento sa pag-unlad ng kultura ng mga Pilipino, pagtataguyod ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino, at ang hindi nagbabagong paraan ng pagtataguyod ng kamalayan sa sarili at responsibilidad sa komunidad. Itinatag ito sa bisa ng Republic Act 9167, series of 2002.

“Ang kasunduang ito ay patunay lamang ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno, katulad na lamang ng FDCP at ng PhilHealth. Nagpapasalamat kami sa FDCP sa pagiging kabahagi at katuwang namin sa pagpapakalap ng impormasyon tungkol sa benepisyong maaaring makuha mula sa PhilHealth. Sa hangarin ng FDCP na mabigyang proteksiyon ang mga miyembro nito, hayaan ninyong maging kaagapay ninyo ang PhilHealth sa pagkakamit nito,” lahad ni Pargas.

Sa ilalim ng kasunduan, kailangang utusan ng FDCP ang lahat ng mga self-earning film industry worker na mag-enrol at magbayad ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth sa ilalim ng Informal Economy Sector.

“Interested FDCP members may visit the nearest PhilHealth Regional or Local Health Insurance Office, or PhilHealth Express in their localities. They may also register online by accessing the Electronic Registration module within the Online Services Section of www.philhealth.gov.ph.,” saad ni Pargas.