Ni Aaron Recuenco

Sasailalim ang mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa dalawang-araw na refresher course sa karapatang pantao sa gitna ng matinding pagbatikos ng publiko sa kampanya kontra droga ng pulisya kasunod ng pagpatay sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos sa Caloocan City.

Ayon kay Chief Supt. Dennis Siervo, hepe ng Philippine National Police-Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO), ang unang seminar ay itinakda sa Setyembre 12 at 13, at makikibahagi rito ang mga opisyal at tauhan ng Caloocan City Police.

“This is to enhance their knowledge and increase awareness on the application of relevant national and international human rights laws, principles and standards,” ani Siervo.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kinasuhan na ang tatlong pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay kay delos Santos sa anti-drug operation nitong Agosto 16.

Iginiit ng mga pulis na nanlaban umano si delos Santos, ngunit taliwas naman ito sa lumutang na CCTV footage at sa salaysay ng mga testigo.

Kaugnay nito, magpupulong sina dela Rosa at Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon bukas, Agosto 29, upang talakayin ang mga usapin kaugnay ng drug war.

“We will meet here at Camp Crame. He said he will go here and it’s okay. We will talk about the issues that need to be discussed,” sabi ni dela Rosa.