Volleyball (MB photo | Ali Vicoy)
Volleyball (MB photo | Ali Vicoy)

KUALA LUMPUR – Sa kabila ng dalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Vietnam na naging dahilan upang wala silang mapanalunang anumang medalya, nakamit pa rin ng Philippine women’s volleyball team ang paghanga ng head coach ng multi-titled Thailand.

“Your team has improved tremendously,” pahayag ni coach Danai Sriwacharamaytakul. “Your system is also good.”

Nasorpresa din aniya si Sriwacharamaytakul sa kanyang nakitang ilang mga skillful players sa hanay ng mga Pinay.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Before, I only see one or two good players. Now, everyone is good,” wika nito.

Ayon pa kay Sriwacharamaytakul , kinakailangan ng ating koponan ng mas marami pang karanasan at mga laban sa international scene upng umabot sa susunod na level.

Sa ikalawang pagkakaton ay natalo ang mga Filipina sa Vietnam, 25-27, 25-22, 25-20, 25-21, sa laban nila para sa bronze medal noong Sabado.

Pinangunahan nina Jaja Santiago at Alyssa Valdez ang koponan sa itinala nilang 20 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nagkaroon ng malaking kalamangan ang Vietnamese sa blocks department kung saan nagtala ng 14 puntos ang mga ito kumpara sa 5 lamang ng mga Pinay.

Nagawa pang magwagi ng Nationals sa dikdikang first set ngunit hindi na sila umubra sa kalaban sa sumunod na tatlong frames.

Nakatakdang bumalik ng bansa ang koponan ngayong araw na ito ngunit wala pang malinaw na plano kung ano ang kanilang kahihinatnan matapos ang SEA Games.

Huling nagkampeon sa women’s volleyball competition ng SEA Games ang bansa noon pang 1993.At mula doon ay nagdomina na at hanggang ngayo’y hindi pa natatalo ang Thailand. - Rey Bancod