Ni LITO T. MAÑAGO

SA inaprubahang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) Rules and Regulations nu’ng regular execom meeting sa Metro Manila Development Authority (MMDA) office last May 2, walang naka-stipulate na bawal magpalit ng cast, movie titles, directors, etc. basta’t ipapaalam lang ito in writing at isusumite sa management ng festival for approval.

Sa isinagawang execom meeting ng MMFF last August 15, held at Bellevue Manila sa Alabang, Muntinlupa City, inaprubahan na ng komite ang ilang pagbabago sa cast, pagpapalit ng direktor at title ng movie sa naunang apat na official entries.

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia
Sa ipinost sa social media ni Noel Ferrer, isa sa mga miyembro ng execom at MMFF spokesperson, narito ang ilan sa naaprubahang changes o pagbabago ng Selection Committee nu’ng nakaraang meeting.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mula sa original title na #LoveTraps to Meant To Beh; the change of the film’s director from Tony Y. Reyes to Chris Martinez; the change of title from The Revengers to Gandarah N’ Guapito: The Revengers; and the replacement of Jericho Rosales in Derek Ramsay in Almost Is Not Enough.

Ang Meant To Beh ay pangungunahan nina Vic Sotto, JC Santos, Daniel Matsunaga, Gabbi Garcia, Andrea Torres at Dawn Zulueta, at bida naman sa Gandarah N’ Guwapito: The Revengers ng Star Cinema sina Vice Ganda, Daniel Padilla at Miss U 2015 Pia Wurtzbach.

Ang bumubuo naman ng cast ng Almost Is Not Enough ay sina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kean Cipriano, Enzo Marcos, Lyn Cruz at Jennylyn Mercado.

Bukod sa nabanggit na changes at replacements, tinalakay rin sa execom meeting ang ilang mahalagang issue, to wit:

Ang Muntinlupa City ang magiging host ng MMFF 2017 bilang pagdiriwang ng lungsod ng kanilang 100th year; ang Parade of Stars ay magaganap sa December 23 at ang Awards Night ay December 27; ang Solar Entertainment head na si Wilson Tieng ang mamumuno ng MMFF Marketing at sina Noel, FDCP Chair Liza Diño- Seguerra at Pagcor VP Arnell Ignacio naman ang MMFF Awards Committee.

Muli ring ipinaalala ng execom na ang deadline ng submission ng short films ay Setyembre 1 at ang announcement ng official short film entries ay September 30.

Samantala, ang early bird submission naman ng finished full length films ay October 2 hanggang 30 para sa regular submission.

Nakatakda namang i-announce ang final 4 finished film official entries sa November 17.

Ang MMDA ang nagpapatakbo ng MMFF tuwing Disyembre.