Sinabi kahapon ng militar na nasa 603 teroristang Maute na ang napapatay sa Marawi City sa ika-97 araw ng bakbakan.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Joint Task Force Marawi, nasa 661 baril na rin ang nababawi ng puwersa ng gobyerno mula sa mga kalaban.

Kasabay nito, may 33 pang gusali ang na-clear na rin mula sa mga mandirigmang Maute.

Sinabi pa ng militar na nasa 130 sundalo at pulis na rin ang napatay sa bakbakan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Batay sa huling assessment ni AFP Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., nasa 50-60 na lamang ang terorista sa Marawi, habang may 30 naman ang mga bihag.

Samantala, 23 sundalo at pulis na Maranao ang nagtipun-tipon para manalangin ng Salat al-Jamaat sa isang masjid sa Marawi, ang unang pagkakataon simula nang magsimula ang bakbakan sa siyudad noong Mayo 23.

Isinagawa ang congregational prayer sa Masjid Saad Huzam Almusairi sa Barangay Lilod, sa loob ng main battle area, nitong Biyernes ng tanghali.

Dalawampu sa mga nagdasal ay pulis, habang tatlo ang sundalo.- Francis T. Wakefield