Ni REGGEE BONOAN

ISA sa limang direktor na alaga ng IdeaFirst Company si Direk Miko Livelo na produkto ng Sine Panulat scriptwriting workshop ni Direk Jun Lana.

Mas gamay ni Direk Miko ang comedy, kaya kapag may offer sa IdeaFirst Company para mag-line produce ng pelikulang katatawanan ang konsepto, siya ang nakatoka.

Miko Livelo
Miko Livelo
Nagsimulang magsulat si Direk Miko ng sampung episodes ng seryeng #ParangNormalActivity na napanood sa TV5. Eventually, siya na rin ang naging direktor nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang unang pelikulang ginawa ng baguhang direktor ay ang horror comedy film na I Love You to Death nina Enchong Dee at Kiray (Regal Films, 2016).

May pagka-experimental ang I Love You to Death, naiiba ang konsepto, kaya kinumusta namin si Direk Miko tungkol sa resulta nito sa box office.

“Break-even naman po, medyo nag-gamble nga po sila (Regal Films) sa istorya po kaya nagpapasalamat ako. Kasi since comedy po ‘yung kuwento, so ako ‘yung napili nila to direct kasi sa group, ako po ‘yung gumagawa ng comedy, so they gave me the freedom,” bungad ni Direk Miko sa one-on-one interview namin.

Bata pa ay mahilig na sa comedy films si Direk Miko, pero wala naman sa itsura niya dahil napakaseryoso. At habang kausap namin, walang bahid na nagpapatawa siya.

“Ha-ha, hindi pa kita sa mukha ko? Mukha lang po akong masungit kasi hindi ako mukhang Pilipino (mukhang Indian/Malaysian/Spanish), mom ko may dugong Spanish, so siguro doon ko nakuha,” napangiting sabi niya.

Mabenta si Direk Miko, tatlong pelikula ang nakalinyang gagawin niya, ang Tokwa’t Bad Boy sa Viva Films (wala pang cast dahil binubuo pa), Forever Young sa Regal Films at ‘Tol sa Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

“Lahat po comedy kasi ‘yun po talaga ang gusto kong gawin. ‘Yung ‘Tol po, parang throwback ng Tito, Vic and Joey na about three friends,” sabi sa amin.

“Dito po ako lumaki, ‘yung Pinoy humor, ‘tapos nakakapanood din ako ng Western at Asian humor, so sabi ko sa sarili ko if I had the opportunity to be a filmmaker, gusto kong i-mix ‘yung lahat.”

Nagtapos ng Fine Arts major in advertising sa UST si Miko at nakakuha ng scholarship sa Asia Pacific Films Institute.

“Since then I became a freelance director doing AVP (audio visual) ‘tapos nu’ng 2013, I had my first break sa Cinema One Originals, ‘yung movie na Blue Bustamante, nag-shoot kami sa Japan and it’s a father and son story, para siyang teleserye na may Power Rangers involved, again, comedy pa rin,” kuwento niya.

Inamin ni Direk Miko na masaya siya sa success ng Kita Kita na idinirek ng kasamahan niya sa IdeaFirst na si Sigrid Andrea Bernardo at umaasa siya na magkaroon din siya ng box-office hit.

“Dala-dala ni Sigrid ‘yung pangalan ng IdeaFirst kaya masaya ang lahat for her,” pakli ni Miko.

Tinatawag nila ang grupo nila ng, “The Idealist, para malapit din po sa name ng company. Saka maski po may mga kanya-kanya kaming movie na ginagawa, we really help each other, nagtutulungan kami like nagbi-brainstorming kami kasi we try to push every one of us to make it better. Kasi success ng isa, success ng lahat, ganu’n po kami,” sey ni Direk Miko.

Sino ang pangarap niyang makatrabaho?

“I had this dream of working with comedians talaga, sobrang underrated kasi ng comedians. I had this dream project na gusto ko sanang maka-work si Michael V, kasi for me comedy hero siya, I want to work these comedians I’ve watched when I was a kid.

“Pero kung were talking about recent (comedians), again, I want this joke na parang magkuya in a film starring Joshua (Garcia) and John Lloyd (Cruz) imbes na rom-com ang approach nila. Kung puwede sana isama pa si Aga Muhlach na pinakakuya nila, dati kasi nagkaroon ng movie sina John Lloyd at Aga na magkuya sila.

“Sa actress naman, well, crush ko kasi si Kim Domingo, so, siya ang gusto kong makatrabaho. Nasa Bubble Gang kasi siya, doon ko siya napapanood and seen her in some films, ‘uy, kaya niyang mag-comedy.’