Gilas Pilipinas | kuha ni Ali Vicoy, MB photo
Gilas Pilipinas | kuha ni Ali Vicoy, MB photo

ni Marivic Awitan

Gaya ng inaasahan, muling namayani ang Pilipinas sa men’ basketball competition ng Southeast Asian Games pagkaraang durugin ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 94-55, upang angkinin ang 2017 SEA Games gold medal, noong Sabado ng gabi sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang nasabing gintong medalya ang ika-18 ng Pilipinas sa men’s basketball sa biennial games at nagpalawig sa winning tradition magmula noong 1997.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasabay nito, nalagpasan din ni Gilas team captain Kiefer Ravena ang 16-taon na ring record ni Romel Adducul matapos niyang magwagi ng kanyang pang-apat na SE Games gold medal.

Napantayan naman nina Bobby Ray Parks, Jr. at Kevin Ferrer ang record ni Adducul matapos magwagi ng kanilang ikatlong SEA Games gold medals habang nakadalawa naman sina Troy Rosario, Baser Amer at Almond Vosotros.

Nagwagi naman sa unang pagkakataon ang mga baguhan sa team na sina Kobe Paras, Raymar Jose, Von Pessumal, Mike Tolomia, Christian Standhardinger, at Carl Bryan Cruz.

Pinangunahan ni Tolomia ang nasabing panalo ng Nationals sa finals matapos magtala ng 20 puntos na kinabibilangan ng limang 3-point shots off the bench kasunod ang 19-anyos na si Paras na nagtapos na may 14 puntos mula sa perpektong 6-of-6 shooting.

Nag-ambag naman si Jose ng 12 puntos kasunod si Filipino-German Standhardinger na may 11 puntos habang nagparamdam naman si Parks depensa sa ipinoste nitong 12 rebounds, 5 assists, 3 steals at 2 puntos.

Namuno naman sina Diftha Pratama at Sandy Kurniawan para sa mga Indons na nagwagi ng kanilang pang-anim na silver medal sa SEA Games na kapwa may tig-10 puntos.

Naging malaking bahagi rin ng panalo ng Gilas ang kanilang magandang ball movement na pinatunayan ng itinala nilang kabuuang 24 na assists.