Rubilen Amit at Chezka Centeno (MB photo | Ali Vicoy)
Rubilen Amit at Chezka Centeno (MB photo | Ali Vicoy)

Napanatili ni Chezka Centeno ang women’s 9-ball singles title, nang muli nitong gapiin ang teammate na si Rubilen Amit, 7-6,kahapon sa finals sa Kuala Lumpur Convention Centre para sa isa na namang gold-silver finish para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Nakakuha ng malaking break si Centeno nang ma-scratched si Amit may dalawang bola na lamang ang nalalabi sa 13th at final rack.

Nakumpleto ng tubong Zamboanga na si Centeno ang kanyang paghabol mula sa 2-5 na pagkakaiwan sa race-to-7 gold medal match.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon kay Centeno, hindi sya makapaniwala sa kanyang naging kapalaran pagdating sa final rack lalo pa’t hindi nya nakuha ang 3-ball sa corner pocket lamang pa sya noon sa iskor na 6-5.

“Hindi ko akalain,” ani Centeno, na tila nakahinga ng maluwag pagkaraan ng panalo.

“Nasa isip ko, talo na ako kasi nga na-miss ko ‘yung three. Sabi ko, talo na ako, wala na akong chance.”

“Grabe sobrang saya po,” ayon pa kay Centeno sa naunang panayam na lumabas sa Spin.ph. “Sa isip ko hindi ko na mahahabol.”

Ayon kay Centeno, hindi nila pinag-usapan man lamang ni Amit ang kanilang laban sa finals at sa halip ay nagpustahan na lamang sila sa naging laban nina Floyd Mayweather at Conor McGregor kung saan sa dating UFC fighter sya pumusta. - Marivic Awitan