Ni REGGEE BONOAN

HININGAN namin ng komento ang may-ari ng IdeaFirst Company na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan tungkol sa working attitude ng mga alaga nilang direktor na sina Prime Cruz (Manananggal sa Unit 23B/Can We Still Be Friends); Sigrid Andrea Bernardo (Kita Kita/Ang Huling Cha-Cha ni Anita/Lorna); Miko Livelo (I Love You To Death); Ivan Andrew Payawal (I Love America /The Comeback) at Dominic Lim (My Rebound Girl/Ninja Party/Kapitan Basura – writer).

21122113_10155503968021677_221430442_n copy

“So far, mababait naman silang lahat,” sabi ni Direk Jun.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi kasi maiiwasan na kapag naghahabol na ng deadlines at stressed na ang mga direktor ay nagkakaroon sila ng topak kaya may ibang artista na nagsasabing nasigawan sila o kaya’y wala sa mood ang direktor nila.

“May process namang nangyayari sa set at nirerespeto rin kasi natin ‘yung bawat personality ng direktor as long as hindi nagiging personal o nananakit ng kapwa, walang naba-violate na artista, hindi naman nalalagay sa alanganin ‘yung safety, we tolerate naman.

“Kasi importante ‘yung konting baliw-baliwan ng mga director, importante ‘yun. Boring naman kung hindi, may space silang puwedeng galawan as long as hindi sila nakakasagabal sa takbo ng shoot at walang nasasaktan,” paliwanag ni Direk Jun.

Paano kung nagkamali o may na-violate ang direktor na alaga nila sa kontrata, agaran ba itong mawawala sa IdeaFirst Company?

“Wow!” reaksiyon ni Direk Jun. “Sana wala naman, saka magkakaibigan. We enjoy each other’s company, hindi naman kami ‘yung boss na kailangan sumunod kayo. Para nga kaming hindi karespe-respeto kung sumagot, magkakaibigan kami.

“May time na kailangang maglabas ng pangil, pagsasabihan mo sila, pero walang personalan ‘yun, lahat ‘yun may kinalaman sa trabaho,” paliwanag ni Direk Jun.

Kung sakaling kumita ang mga pelikula ng bawat direktor, may komisyon ba silang matatanggap bukod pa sa talent fee?

(Sinang-ayunan ito ni Sigrid, kasi nga kumita ang Kita Kita kaya nagkatawanan ang mga kasama niya.)

“I think nag-i-evolve rin ‘yung negotiation ngayon, creative talent kasi, medyo papunta na nga tayo ngayon sa Hollywood style na negotiation na bukod sa kinikita mo, meron kang bank-in or rights na hawak o royalties. Sana umabot tayo ro’n kasi it’s a working device system na gagalingan mo kasi alam mong meron kang mapapakinabangan afterwards. Pero hintayin nating umabot doon, siguro kasi ayokong mag-impose kasi siyempre sino ba naman kami para i-impose lahat ‘yan sa mga star players. But I do see na sana the bigger players starting to volunteer,” sabi ni Direk Perci.

Ano ang stand nila sa producers na pinakikialaman ang trabaho ng direktor na kung minsan ay ikinakapangit ng pelikula?

“Well, kasama ‘yun kung hanggang saan ang job description namin, we are there from the start to make sure that it will run smoothly, we are there also to help make troubleshoot kapag may problema,” sagot ni Direk Perci. “Siyempre hindi naman namin gugustuhing umabot do’n na we interfere too much lalo kapag production ng iba, ayaw naming nandoon kami lagi. Open ‘yung lines of communication, isang tawag lang kapag may emergency at kaya naman namin pumasok.

“Ang maganda lang siguro sa amin ni Jun ay nagbunga na ‘yung ilang dekada namin sa industriya, marami na rin kaming nakilala at alam. Hindi naman kailangang combative. Ang maganda lang, kakilala na namin mga producer, na minsan nag-uusap na nga ang mga producer na aayusin nila ang mga project.”

Kadalasang mga artista ang sinasabing nakakatikim ng abuso sa mga project na ginagawa, ano naman ang ang nagiging problema ng mga direktor?

“Hindi siguro abuse sa part ng direktor kundi struggle lalo na kapag ang projects ay commissioned. Minsan nagkakaroon ng conflict kasi iba ‘yung gusto ng producer, iba ‘yung gusto ng...