ni Mary Ann Santiago

Muling nanawagan kahapon ang isang opisyal ng Commission on Elections kay Chairman Andres Bautista na mag-leave of absence muna at pagtuunan ang kanyang pamilya, sa gitna ng alegasyon ng umano’y nakaw na yaman at kinakaharap na impeachment complaint.

Ayon kay Comelec Commissioner Ma. Rowena Amelia Guanzon, personal na niyang pinayuhan si Bautista na unahin ang pamilya kaysa trabaho at sagutin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.

“Pinayuhan namin siya, ako one on one pa. Sabi ko, ‘Wala ka nang tulog, oh. You focus on your family, and then sagutin mo kung saan galing ang mga perang ‘yan.’ ‘Yun lang ang sinabi ko sa kaniya,” anang Guanzon, sa panayam sa radyo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nilinaw ni Guanzon na hindi pamimersonal ang panawagan nila kay Bautista na mag-leave of absence muna, kundi para sa Comelec at sa interes ng bayan lamang.

Inaakusahan si Bautista ng asawang si Patricia na nagkamal ng P1 bilyon mula sa gobyerno, na ginamit namang basehan sa paghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.