Aabot sa 100 indibiduwal ang nahawahan ng human immunodeficiency virus (HIV) noong Hunyo dahil sa transactional sex, ayon sa Department of Health (DoH).
Ayon sa huling report mula sa HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP), may kabuuang 91 katao ang napaulat na nagkaroon ng HIV sa bayarang pakikipagtalik.
“People who engage in transactional sex are those who report that they pay for sex, regularly accept payment for sex, or do both,” ayon sa DoH report.
May kabuuang 55 kaso ang nagbayad para makipagtalik, 54 sa mga ito ay lalaki. Dalawampu’t apat na lalaki naman ang nagka-HIV matapos magpabayad para makipagtalik.
May 12 iba pa ang nahawa sa virus dahil sa parehong uri ng transactional sex, at 11 sa kanila ay lalaki.
“Most were male, whose ages ranged from 16 to 54 years; while two were females both aged 25 years old,” ayon pa sa report.
Nasa 510 na ang kabuuang kaso ng HIV na nakuha sa bayarang pakikipagtalik sa unang anim na buwan lamang ng 2017. - Charina Clarisse L. Echaluce