SINANDIGAN ni Von Tambeling ang Philippine Christian University sa dikitang 74-72 panalo kontra Lyceum of Subic para sa ikalawang sunod na panalo nitong Biyernes sa 17th NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong.

Naisalpak ni Tambeling, isa sa reliable player ng Dolphins, ang pahirapang jump shot para ibigay sa PCU ang 73-72 bentahe may 22.3 segundo sa laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napuwersa sa turnover ang Lyceum mula sa matibay na depensa ng Dolphins at kaagad na na-foul si Tambeling sa sa free throw at tuldukan ang panalo ng koponan.

Ito ang ikalawang pahirapang panalo ng Dolphins na naisalba ang defending champion St. Clare College, 89-88, sa overtime sa opening day nitong Agosto 17.

Nanguna si Yves Sason sa Dolphins sa naiskor na 24 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Mike Ayonayon ng 18 puntos at limang rebounds. Kumubra si Tambeling ng 17 puntos at apat na rebound.

Nagsalansan si Allen Fomera ng 21 puntos para sa Sharks.

Nailusot naman ng RizalTechnological University ang 67-56 panalo kontra sa bagong miyembrong St. Francis, habang napataob ng EnderunColleges ang Manuel Luis Quezon University, 78-68.

Iskor:

(Unang laro)

RTU (67) -- Tabi 14, Bangeles 14, Liquinan 11, Señires 8, Tilos 7, Estoce 5, Reyes 4, Redondo 0.

St. Francis (56) -- Tolosa 16, Larotin 14, Parcero 9, Derama 4, Cruz 4, Chu 3, Cristobal 2, Ceguerra 2, Madrid 2, Lanoy 0, Cenita 0

Quarterscores: 15-13, 37-22, 56-35, 67- 56

(Ikalawang laro)

PCU (74) -- Sason 24, Ayonayon 18, Tambeling 17, Saldua 6, Castro 3, Mescallado 3, Palattao 2, Abrigo 1, Okoronkwo 0

Lyceum-Subic (72) -- Fomera 21, Del Rosario 11, Castillo 10, Djilla 8, Sunguad 7, David 5, Jacaban 4, Pelaez 3, Macatlang 3, Saludo 0

Quarterscores: 27-7, 45-26, 58-44, 74-72

(Ikatlong laro)

Enderun (78) --Dela Cruz 22, Wabo Kaptue 16, Vidal 12, Gatdula 10, Nuñez 9, Dungan 4, Grilli 4, Cadavos 1, Sacundo 0

MLQU (68) -- Lao 16, Grimaldo 11, Tiquia 11, Dela Cruz 9, Rivera 7, Jamila 5, Estrella 3, Dela Punta 2, Asturiano 2, Toribio 2.

Quarterscores: 19-17, 36-28, 57-46, 78-68.