Ni: Mary Ann Santiago

Patay na nang matagpuang palutang-lutang sa creek ang isang batang lalaki na unang iniulat na nawawala sa Barangay Mauway, Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Nakatakdang isailalim sa autopsy si Keen Azucena, 8, ng Bgy. Mauway.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, na ipinarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nasilayan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa creek na matatagpuan sa Block 5, sa naturang barangay, bandang 4:45 ng hapon.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.