Ni: PNA
LIGTAS kainin ang manok at itlog kahit na may bird flu outbreak sa dalawang lalawigan sa bansa, ayon sa mga opisyal ng kalusugan at agrikultura.
At para patunayan ang kanilang ipinupunto, pinangunahan ni Health Secretary Dr. Paulyn Ubial ang ibang mga opisyal sa pagkain ng pritong manok at nilagang itlog sa harap ng camera at ng mga mamamahayag.
“We would like to demonstrate to our media partners and to the public that eating chicken meat and poultry products like egg is not a risk for bird flu transmission. So there is no need to panic. Bird flu cannot be transmitted by eating (poultry),” lahad ni Ubial sa media briefing sa media relations unit ng Department of Health sa Maynila.
Ang mga manok at itlog ay mula sa poultry at mga supplier ng produkto, na nais ipaalam sa publiko na hindi makakukuha ng bird flu virus sa pagkain sa mga ito.
“It can only be transmitted via the respiratory route or through direct exposure to (infected) wild fowls or birds,” ani Ubial, at sinabing ang nasa peligro ay ang mga nangangalaga at nagpapatay ng manok, nasa pitong kilometro ang lapit sa apektadong lugar sa Pampanga at Nueva Ecija.
Kaya para hindi mahawahan ng bird flu, pinayuhan ni Ubial na umiwas ang publiko na malantad sa mga buhay na manok, bibe, pato at iba pang ibon sa mga apektadong lugar, regular na hugasan nang maayos ang mga kamay, lalo na matapos humawak sa dumi, at gumamit ng mga disinfectant solution.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Socorro Lupisan, ng Research Institute for Tropical Medicine, na malaki ang tsansa na gumaling ang mga pasyenteng mayroong H5N6—ang bird flu strain na matatagpuan sa dalawang lalawigan—lalo na kung nasusubaybayan at nagagamot nang wasto.
“If a patient manifests dehydration, we will provide dextrose; electrolytes if there are changes in electrolytes; and if respiratory support is needed, we will provide oxygen, aside from providing anti-viral drugs,” aniya.