Ni: Argyll Cyrus B. Geducos
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong Republic Acts (RAs) na bumubuwag sa tatlong natitirang barangay at pagbuo ng pitong bagong barangay.
Nitong Agosto 23, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 10933, na naghahati sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) sa tatlong barangay.
Kikilalanin ang mga barangay bilang Barangay NBBS Proper, Barangay NBBS Kaunlaran, at Barangay NBBS Dagat-Dagatan.
Pinirmahan ni Duterte ang RA 10934, na naghahati sa Barangay Tangos sa dalawang barangay. Ito ay tatawaging Barangay Tangos North, at Barangay Tangos South.
Sa ilalim ng RA 10935, ang Barangay Tanza sa Navotas City ay hahatiin sa dalawang barangay na tatawaging Barangay Tanza 1 at Barangay Tanza 2.
Sa ilalim ng tatlong RAs, inaatasan ang Commission on Elections (Comelec) na pamahalaan ang plebisito na isasagawa sa mga orihinal na barangay sa loob ng apat na buwan matapos ipatupad ang mga bagong batas.
Ipatutupad ang mga batas 15 araw matapos ilathala sa dalawang publication ng general circulation.