Ni: Reggee Bonoan

BALIK-TRABAHO na si Arjo Atayde sa bago niyang teleserye kasama ang inang si Sylvia Sanchez sa bagong drama series na hindi pa inihahayag ang titulo.

Kahapon ang unang taping day ni Arjo na hindi pa kasama si Ibyang.

ARJO copy copy

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Si Arjo lang muna ang nag-taping, ‘yung sa akin, malaking scene kaya inihahanda pa nila. Baka next week na ako,” sabi ng aktres nang kumustahin namin.

Excited at kabado si Ibyang dahil nga kasama na niya si Arjo pero humirit ang isa pa niyang anak na si Ria Atayde ng, ‘Ako na lang kulang.’

Laging binibiro ni Arjo si Ibyang kapag nakakatanggap ng award at sinasabihang lalampasan nito ang achievements niya, ano ang reaksiyon nito ngayong magkasama na sila sa isang serye na pareho nilang pinangarap?

“Wala, tahimik nga, eh. Mukhang naghahanda siya. Hindi kumikibo,” sagot ng aktres.

Ano ang kuwento ng serye nilang mag-ina?

“Wala, bawal pa sabihin, basta heavy drama ito at ibang-iba ito sa lahat ng nagawa ko, sobrang challenging, mas challenging pa kaysa sa The Greatest Love,” sagot ni Ibyang.

May hihigit pa ba sa challenge na pinagdaanan niya sa The Greatest Love bilang inang may Alzheimer’s disease?

“Basta abangan mo, ibang-iba at hindi ko pa nagawa ito,” pabitin na sabi ng aktres.

Bukod sa teleserye, uumpisahan na rin niya ang indie film na ‘Nay mula sa direksiyon ni Kip Oebanda (direktor ng Bar Boys) kasama sina Enchong Dee at Jameson Blake under Cinema One Originals at mapapanood sa Nobyembre.

Aswang ang karakter ni Sylvia sa ‘Nay na challenging din.

Pero, teka, ‘di ba’t kasama rin siya sa La Luna Sangre bilang adoptive mother nina Kathryn Bernardo as Miyo/Malia, Meryll Soriano, dalawang bata at asawa ni Dennis Padilla?

“Oo, kaya nga sabay-sabay ‘yung tatlong gagawin ko, ‘yung teleserye, indie film at La Luna, kaya heto naghahanda ako,”sambit ng aktres.

So, matitigil na ang kanyang #OperationTaba na sinimulan niya dalawang buwan na ang nakararaan.

“Ay, hindi,” mabilis na sagot, “tuluy-tuloy ‘yun, sila (trainors) ang pupunta sa set kung nasaan ako, kapag breaktime ko, magti-training kami kasi hindi puwedeng ihinto ‘yun dahil baka lumaki ulit ako.”

Anyway, nakakaaliw ang ikinuwento sa amin na reaksiyon ni Papa Art Atayde ngayong busy na ulit ang asawa.

“Heto, niloloko ako, resulta raw ito ng Beautederm. Kapag may bumabati sa akin dahil sa skin ko, siya ang sasagot ng, ‘Beautederm ‘yan. Kaya hindi ko alam kung compliment o binu-bully ako nitong asawa ko, walang bukambibig kundi Beautederm,” tumatawang sabi ni Ibyang.

In fairness, ha, pino-promote ni Papa Art ang Beautederm. Bakit kaya hindi na rin kunin ni Ms. Rei Anicoche–Tan ang hubby ni Ibyang bilang isa sa endorsers?