Ni: Jun Fabon

Timbuwang ang isang construction worker habang sugatan ang kanyang kasama sa rambulan sa karaoke television (KTV) bar sa Barangay Lagro, Quezon City kamakalawa.

Sa report ni PO2 Elarion Wanawan, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang nasawi na si Ferdinand Nava, 23, ng Block 27, Lot 6, Phase 2, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sugatan naman si Warren Alvarado, 19, ng Block 7-A, Lot 6, Chera Del Suenio, Barangay Sto. Cristo, Bulacan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasalukuyang tinutugis ang mga suspek na sina Imman Martinez at Julius Bryan Tandion, kapwa nasa hustong gulang at residente ng No. 28 Recoletos Street, New Intramuros Village, Bgy. Old Balara, Quezon City; at Bryan Bendevel, ng San Roque, Tala, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng CIDU, naganap ang insidente sa KTV Bar, Hilltop, Bgy. Lagro, dakong 7:30 ng gabi.

Nag-iinuman ang dalawang biktima nang pumasok sa bar ang tatlong suspek, isa sa kanila ay armado ng patalim, at walang sabi-sabing hinataw ng bote ng mga una na nauwi sa rambulan at tuluyang nalagutan ng hininga si Nava at duguan naman si Alvarado.