Ni NORA V. CALDERON

MABILIS na nilinaw ni Atty. Joji Alonso sa kanyang Instagram account ang tanong ni @xcliffordbelle kung ang bagong pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na pagsasamahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ay movie version ng dating drama series ng GMA-7, Ang Dalawang Mrs. Real, na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes.

Angelica & Juday copy

“This story is completely different, kindly wait and see. It’s not even drama. It’s hilarious. The material was conceptualized way before the drama 2 mrs real came about so we are keeping the title. Salamat po.”

Trending

Kinaaaliwang 'Suspect Challenge' sa socmed, paano nagsimula?

Lalong dumami ang excited sa pelikula na ididirek ni Jun Lana. Ang isang follower ni Atty. Joji, nagtanong pa kung bakit may plaster si Juday sa siko, may sugat daw ba ito? May nagtanong din kung kailan magsisimula ang shooting na sinagot ni Atty. Joji ng “next week”.

Sino raw ang magiging Mr. Reyes? Dalawa ang Mr. Reyes, sina Joross Gamboa at JC de Vera. Ito ang post ni Atty. Joji:

“Judy Ann Santos @officialjuday and Angelica Panganiban @iamangelicap in a most hilarious film under the direction of @junlanarobles. A co-produciton of Star Cinema, Quantum Films and Idea First. Soon!!! #AngDalawangMrsReyes #AngLaffTripNgTaon #ThisIsDefinitelyNotAKabitMovie.”

Marami na rin ang nagtatanong kung iisa lang daw ba ang Mr. and Mrs. Cruz na pagbibidahan naman nina Ryza Cenon at JC Santos at ang Dalawang Mrs. Reyes. Magkaiba po.

Sunud-sunod ang projects na ginagawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Tuluy-tuloy na rin ang shooting nila ng Almost Is Not Enough na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsey sa direksiyon ni Dan Villegas, na entry sa Metro Manila Film Festival sa December.