Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Hoops Dome-Cebu)

5 n.h. -- pm Ginebra vs. Alaska

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

MAPATATAG ang pagkakaluklok sa ikatlong puwesto ang tatangkain ng crowd favorite Ginebra sa kanilang pagsalang ngayong hapon kontra Alaska sa isa na pang road game ng 2017 PBA Governors Cup sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ganap na 5:00 ngayong hapon ang salpukan ng Kings, kagagaling lamang sa panalo sa isang out of town games sa Calasiao, Pangasinan noong Agosto 5 kontra NLEX, at Aces na patuloy sa pagtugis sa napakailap na unang panalo ngayong season ending conference kasunod ng unang limang dikit na pagkabigo.

Inaasahang magpapakitang gilas para sa Kings ang kababalik pa lamang mula sa injury na Cebuano slotman nilang si Greg Slaughter sa kanyang homecoming game.

Bukod kay Slaughter, sasandigan din ni coach Tim Cone upang pamunuan ang Kings para makopo ang ika-apat nilang panalo sa loob ng limang laro sina import Justin Brownlee, Sol Mercado, LA Tenorio , Scottie Thompson at Japeth Aguilar.

Sa kabilang dako, patuloy na naghahanap ng kasagutan sa napakalaking katanungan kung kailan matatapos ang inaabot na kamalasan, magsisikap ang Aces na maputol na ang kanilang losing skid na umabot na ng 14 na laro mula noong nakaraang Commissioners Cup.

At para kay import Ledontae Henton upang makamit ang inaasam nilang panalo, kailangan nilang tumapos ng maayos at malakas sa laro.

“It’s about finishing our games. Each and every game we’re heading closer ‘til the end and then down the stretch, those turnovers, defensive mistakes that we make, that should not happen again,” ani Henton.

“That’s how a good team wins game and we haven’t been able to do that yet,” aniya.