Ni: Leandro Alborote
LA PAZ, Tarlac - Posibleng mapatawan ng matinding parusa ang isang 44-anyos na lalaki makaraang halayin umano ang kapitbahay niyang 11-anyos na babae, sa Barangay Caut, La Paz, Tarlac, kahapon ng umaga.
Kaagad namang naaresto ng pulisya si Cris Sebastian sa umano’y panghahalay sa biktimang mag-aaral sa Grade 6 sa Caut Elementary School sa La Paz.
Nabatid na abala noon ang bata sa pagpapakulo ng tubig nang tawagin ni Sebastian para magpabili ng sigarilyo.
Tinungo ng bata ang kuwarto ng suspek para kuhanin ang pambili ng sigarilyo, subalit inabuso umano siya ng suspek.
Kaagad namang nakapagsumbong ang bata sa kanyang ina at nai-report sa pulisya ang insidente kaya naaresto si Sebastian.