Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang barangay treasurer, na dating barangay kagawad, nang patraydor na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa United Doctor’s Medical Center (UDMC) si Jose “Pepe” Macaranas, 67, barangay treasurer ng Barangay 567, Zone 55, District 4, at residente ng 2002 Luzon Avenue, sa Sampaloc, ngunit nasawi rin sa tinamong apat na bala sa katawan.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang pamamaril sa Luzon Avenue, kanto ng Maria Luis Street sa Sampaloc, dakong 8:10 ng gabi.

Probinsya

Magsasakang 'di nakabayad ng ₱300 utang, pinagsasaksak!

Sa salaysay sa pulisya ni Barangay Secretary Roland Aboy, nakaupo sila ng biktima at nag-uusap nang sumulpot sa kanilang likuran ang dalawang suspek, na magkaangkas sa motorsiklo, at pinagbabaril ang biktima.