Ni: Lyka Manalo

BATANGAS - Binulabog ng bomb threat ang isang eskwelahan sa bayan ng Rosario at ang hall of justice sa Lipa City sa Batangas, nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:14 ng umaga nang makatanggap ng mensahe ang dalawang empleyado ng bulwagan sa Rosario, Batangas na nakasaad: “Sasabog kayong lahat. Tama lang ‘yan sa inyo, mga taga-hall of justice”.

Dakong 11:45 ng umaga naman nang makatanggap umano ng mensahe mula sa Facebook messenger ang isang estudyante ng Lipa Grace Academy sa Lipa City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isang Clark Nemoto ang nagpadala umano ng mensahe sa estudyante at sinabing binibigyan ang huli ng pagkakataong umalis sa campus dahil pasasabugin ang eskuwelahan makalipas ang 30 minuto.

Pareho namang nagnegatibo sa bomba ang mga lugar matapos na rumesponde ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Air Force (PAF).