Ni: Lito Mañago

KINUYOG ng haters at bashers na mga tagahanga at loyal supporters ni Pangulong Rody Duterte ang walang kaalam-alam at nananahimik na si Marian Rivera dahil sa political views na ipinost sa Twitter ng parody ng Kapuso Primetime Queen na may handle name na @superstarmarian.

Sa post ng parody, “U warned us there will be blood. So pde ba, ung 16 million lang na bumoto sa ‘yo ang patayin mo?

MARIAN copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Because the rest of us didn’t sign up for this.”

Temporarily deactivated na ito pagkaraang kuyugin din ng mga tagahanga ng misis ni Dingdong Dantes.

Kapag in-access ito, hindi na nabubuksan.

Sa halip na Marian Rivera-Dantes, ginawa na itong Fake Marian Rivera pero gumagamit pa rin ng kaparehong handle name. ‘Yun nga lang, in-accessible ito sa ngayon.

Time and again, paulit-ulit namang sinasabi ni Marian na wala talaga siyang Twitter account.

Ang social media accounts niya ay sa Instagram na merong mahigit 4.1 followers, at verified ito, at Facebook page na meron namang 18M plus followers at verified din ito.

Para pa rin sa kaalaman ng marami, isusulat uli namin ang ipinost niya sa kanyang IG account kasama ang screengrab na naging sanhi ng bashings at hates sa social media.

“FYI. Wala po akong Twitter account, hindi po ako si ‘superstarmarian’ sa Twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa pangalan ng ibang tao.”

Sa isang interview ng GMA News kay Marian sa “I Am Super: An Art Exhibit” presscon para sa YesPinoy Foundation, sabi ng bida ng “Super Ma’am” ng GMA Network, “Nagreklamo na kami, nag-message na kami, gumawa na kami ng paraan para matanggal talaga ‘yan.

Dagdag ni Yan, “Although, sinasabi naman daw nu’ng @superstarmarian na hindi naman daw siya. Pero sabi ko, para gamitin ‘yung pangalan ko, it’s unfair so tama na.”

Suportado naman ni Dong ang kanyang misis sa laban nito sa mga parody account na naninira ng imahe ng mga artista lalo na’t may mga threat na rin silang natatanggap.

“Personally, I’m requesting whoever is behind that parody account, please take it down. Minsan entertaining na magbasa ng mga parody accounts pero to a certain point, pagka involved na ang political views na nagiging dahilan ng threats or ng mga hindi magagandang bagay para sa akin, sa aking asawa, lalo na sa aking pamilya, ay hindi ako papayag na mangyari ‘yon,” eksplinasyon ng aktor ng Alyas Robin Hood sa GMA News.